200 mga bahay nasunog sa Taytay, Rizal

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 30, 2018 - 10:21 AM

Photo from Fire Alert Metro Manila

Umabot sa daan-daang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Taytay, Rizal.

Tinupok ng apoy ang nasa 200 mga bahay sa Purok 15, Meralco Village sa Barangay San Juan pasado alas 9:00 ng gabi.

Agad itong itinaas sa 4th alarm pero naapula din makalipas ang isang oras.

Ayon sa mga bumbero, maliit ang daanan papasok sa Purok 15 kaya hindi nila nailapit ang mga fire truck.

Batay sa pahayag ng mga residente posibleng napabayaang kandila ang pinagmulan ng apoy.

Inaalam pa ng mga otoridad kung magkano ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, taytay rizal, fire incident, Radyo Inquirer, taytay rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.