Mas mataas na sahod at mga benepisyo isinusulong ng isang mambabatas

By Erwin Aguilon May 30, 2018 - 08:25 AM

Sa gitna ng mataas na inflation rate isinusulong ngayon ni 1Pacman Rep. Mikee Romero ang pagkakaroon ng umento sa sahod at benepisyo ng mga manggagawa.

Base sa panukala ni Romero, nais nito ba magkaroon ng karagdagang P15 arawang sahod ang mga obrero sa Metro Manila, gawing P500 mula sa P200 ang unconditional cash grant sa ilalim ng TRAIN Law at bigyan ng special additional tax exemption na P16,500 ngayong taong 2018 ang mga sumasahod ng P21,000 pababa.

Sinabi ng mambabatas na malaking tulong ang nasabing mga benepisyo upang mabawi ang nawalang purchasing power ng mga Pinoy at hindi naman nalulugi ang mga negosyo.

Paliwanag ng mambabatas, doable at realistic ang kanyang suhestyon at hindi ito wishful thinking lamang para makaagapay ang mga ordinaryong Filipino sa mataas na inflation rate.

Iginiit nito na hindi maaring walang ibigay na tulong sa mga ordinaryong mamamayan dahil sa halos anim na porsyento ng purchasing power ng mga manggagawa ang nawala dahil sa mataas na inflation rate.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: labor force, Radyo Inquirer, wage hike, labor force, Radyo Inquirer, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.