Walang Pinoy na nadamay sa hinihinalang terror attack sa Belgium – DFA

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 30, 2018 - 08:24 AM

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa Belgium makaraang may tatlong nasawi sa isang hinihinalang terror attack na naganap sa Liege.

Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagparating ito ng simpatya sa pamahalaan at
mamamayan ng Belgium.

Kasabay nito sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na batay sa monitoring ng Philippine Embassy sa Brussels walang Pinoy na nadamay sa insidente.

Aabot sa 8,000 ang Pinoy sa Belgium kabilang ang 100 sa Liege.

Base sa ulat, dalawang pulis at isang bystander ang nasawi sa insidente ng pananaksak. Mayroon ding dalawa pang pulis na nasugatan.

Isang lalaki na armado ng kutsilyo ang umatake sa dalawang babaeng pulis. Kinuha pa ng suspek ang baril ng pulis at saka pinaputukan ang isang lalaki na nasa loob ng kotse.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Belgium Terror Attack, DFA, Radyo Inquirer, Belgium Terror Attack, DFA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.