Presyo ng school supplies, tumaas pa ayon sa DTI

By Rhommel Balasbas May 30, 2018 - 07:13 AM

Dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials ay tumaas pa ang presyo ng school supplies ngayong taon ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa inilabas na annual guide for consumers tumaas ng P1.00 hanggang P4.00 ang presyo ng composition, writing at spiral notebooks ng mga brands na Advance, Topline, Best Buy, Pandayan, Papelikha, Orions at Veco.

Ang pad papers naman ng Easywrite, Best Buy, Sakura, Pandayan, Papelikha, at Orions para sa Grade 1 hanggang Grade 4 ay tumaas din ng P0.50 hanggang P6 pesos .

Ang intermediate paper mula sa Easywrite, Best Buy, Pandayan, Papelikha, at Orions ay tumaas din ang presyo ng P1.75 at P5 ayon sa kagarawan.

Maging ang lapis ng Best Buy at Pandayan ay tumaas ng P4.50 at P1 habang ang ball pens ng Avanti, Maryy at Pentel ay tumaas ng P1 hanggang P6.

Ayon naman sa kagawaran, bumaba ang presyo ng crayons ng HBW Jumbo no. 8 ng P11 habang tumaas naman ng P2 hanggang P10 ang regular No. 8, regular No.16, regular No. 24 at Jumbo no.8 ng brands na Colleen at Sterling.

Sa pambura naman ay tumaas ng P2 ang sa Orion. Sa ruler ay tumaas ng P3 ang sa Orion habang sa Sterling at tumaas ng P2.

Nananatili naman sa dating presyo ang school supplies ng ibang brands.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: balik eskwela, dti, price of school supplies, Radyo Inquirer, balik eskwela, dti, price of school supplies, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.