Listahan ng bagong appointees ni Pangulong Duterte inilabas na
Inilabas na ng Palasyo ng Malacañan ang mga bagong appointtees ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga itinalaga ng pangulo si retired Vice Admiral Alexander Lopez bilang undersercetary ng Department of Energy (DOE). Bago naitalaga sa DOE, nagsilbing commander ng Western Command at tagapagbantay sa West Philippine Sea.
Itinaas naman ng pangulo ang ranggo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing bilang undersecretary. Pupunan ni Densing ang pwesto ni dating Undersecretary John Castriciones na itinalaga naman ng pangulo bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Itinalaga rin ng pangulo si Renato Ebarle bilang undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE). Si Ebarle ay dating undersecretary ng Office of the Executive Secretary noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Inire-appoint din ng pangulo si Dante Ang bilang special envoy para sa International Public Relations maging sina William de Jesus Lima at Fernando Borja, bilang special envoy sa China.
33 bagong mga prosecutor din ang itinalaga ng pangulo kung saan 14 sa mga ito ay mga babae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.