Cellphone ni Representative Tom Villarin hindi ninakaw ni DOLE Usec Jing Paras
Pinalagan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras ang alegasyon ni Akbayan Representative Tom Villarin na ninakaw niya ang smartphone nito.
Ayon kay Paras, hindi niya ninakaw ang cellphone ni Villarin.
Hindi aniya kapani-paniwala, malisyoso, at may halong pultika ang bintang ng mambabatas.
Paliwanag ng labor official, maaaring aksidente niyang nakuha ang cellphone ni Villarin nang ilapag niya ang kanyang cellphone sa mesa noong may imbestigasyon sa kamara.
Agad umanong pumunta sa isa pang hearing si Paras at pagkatapos niyang magbigay ng testimonya ay naiwan na niya ang phone ni Villarin na nakita naman ng security at ibinalik sa staff ng kongresista.
Giit ni Paras, wala siyang intensyon na makinabang sa aksidenteng pagkakuha niya ng cellphone ni Villarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.