Inararo ng isang 10-wheeler cargo forwarder truck ang poste ng Meralco bago binagga ang isang L300 van sa kahabaan ng Sumuhong Highway na sakop ng Barangay Mambugan sa Antipolo City, Rizal.
Kapwa sugatan ang driver ng L300 na si Edwin Canlas, at driver ng nakabanggang truck na si Alex Sidlao, maging ang limang iba pa. Agad na isinugod ang dalawa sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center upang lapatan ng lunas.
Dahil sa aksidente ay walang kuryente ngayon sa Barangay Mambugan.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa sanhi ng aksidente.
MOST READ
LATEST STORIES