Edu Manzano at Joel Villanueva naghain na rin ng COC

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2015 - 02:13 PM

Vill ManzMagkasunod na dumating sa Commission on Elections ang aktor na si Edu Manzano at si dating TESDA Director General Joel Villanueva na kapwa naghain ng kanilang certificate of candidacy sa pagka-senador.

Si Manzano na tatakbong independent ay sinamahan ng tatlo niyang anak sa pangunguna ni Luis Manzano.

Ayon kay Manzano nais niyang siya ay may maiambag sa pagbaba ng buwis sa bansa, at maitaas naman ang revenue collection.

Samantala, bago pa dumating sa Comelec main office si Villanueva, maagang nagdatingan sa Intramuros Maynila ang kaniyang mga supporters.

Sinamahan si Villanueva ng kaniyang asawa, ama na si Bro. Eddie Villanueva, at ng mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Rodney Santos, at si Chef Boy Logro.

Sa kaniyang twitter account, pinasalamatan ni Villanueva ang mga supporters na dumating sa Comelec.

Samantala, si OFW Party List Rep. Roy Señeres ay pormal na ring naghain ng kaniyang COC para naman tumakbong pangulo ng bansa.

TAGS: EduManzanoJoelVillanuevafilesCOC, EduManzanoJoelVillanuevafilesCOC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.