Inumpisahan na ng Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company (PNOC) ang pagproseso ng pag-aangkat ng Pilipinas ng produktong diesel sa bansang Russia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may ginagawa nang hakbang ang PNOC at DOE.
Dagdag ni Roque, nagpahayag na ng kahandaan ang kompanyang Petron at Phoenix Petroleum na maging distributor ng diesel.
Nangako aniya sina Ramon Ang, may ari ng Petron at Dennis Uy, may-ari ng Phoenix Petroleum na ibebenta nila ang diesel mula sa Russia sa murang halaga at ipapatong lamang ang import at administration costs.
“I’ll ask the details from Secretary Cusi, because kahapon po, kumpirmasyon lang ang nakuha ko sa kaniya na nagsisimula na po at gumagawa na ng hakbang, ang PNOC EC ang sinabi niya, na entity na gumagalaw para po mag-angkat ng diesel galing sa Russia. But I understand po, it’s never been done before; it’s a first although ang sabi ng DOE, we have imported before from a non-OPEC member-country. Ang pagsubok natin ngayon, wala na tayong state-owned Petron. Dati kasi iyong distribution network natin Petron, pero I will take the liberty of saying that I’ve talked to at least two companies – Petron and Phoenix, and well Mr. Ramon Ang and Mr. Dennis Uy said that if we are able to import cheap diesel, they will sell it more or less at the price that we’re able to import it ‘no, plus administrative cost, ayon kay Roque.
Ayon kay Roque, nakahanda ang gobyerno na i-reprocess ang aangkating diesel sa Russia sa Singapore bago magamit sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa 25 hanggang $27 per barrel lamang ang presyo ng diesel mula sa Russia habang halos nasa $80 per barrel na ang presyo ng diesel mula sa Middle East.