SolGen Jose Calida hindi ligtas sa pananagutan dahil sa maanomalyang kontrata
Hindi sapat ang ginawang pagbibitiw ng Solicitor General Jose Calida bilang chairman at presidente ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, nagbitiw nga si Calida sa posisyon sa pag-aaring security agency ng pamilya ngunit nanatili naman sa kanya ang stock ownership nito.
Paliwanag ni Lagman, hindi naalis ang interes ng pamilya ni Calida sa pagbibitiw sa pwesto sa sariling kumpanya.
Nakaapekto aniya ang posisyon ni Calida sa pamahalaan upang impluwensyahan at makakuha ng kontrata sa gobyerno.
Iginiit ni Lagman na upang maalis ang pagdududa ng publiko, hindi dapat hinayaan ni Calida ang kanyang kurporasyon na pumasok sa kontrata sa gobyerno kung saan maari siyang maka impluwensya.
Ipinagbabawal din anya sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isang kawani ng pamahalaan mayroong ng financial interest at intervention sa kumpanya na punasok sa kontrata sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.