Ipinagutos na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbusisi sa lahat ng sports drink sa merkado.
Ginawa ni (FDA) Director General Nela Charade G. Puno ang direktiba kasunod ng pagsuspinde ng FIBA kay PBA player Keifer Ravena matapos na magpositibo sa 3 banned substance sa sports.
Ayon sa mga ulat, ang positibong test ay nag-ugat sa pag-inom ni ravena ng pre-work-out drink na “Dust.”
Sinabi ni Puno na ito ang tamang oportunidad na para alamin ng FDA ang nilalaman at labeling ng mga work-out drinks para protektaham ang kalusugan ng publiko.
Umaasa sila sa magiging kooperasyon ni Kiefer Ravena sa kanilang hakbangin.
Dagdag ni Puno, ang FDA, sa ilalim ng Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 ay mandato nila na tiyakin ang safety, efficacy, purity, at quality ng mga food products, gamot, mga pampaganda at mga medical devices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.