WATCH: 17 Pinoy namamatay kada oras dahil sa sigarilyo ayon sa grupo ng mga doktor

Aabot sa 17 Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa paninigarilyo baatay sa pag-aaral ng Philippine College of Chest Physicians.

Dahil sa paninigarilyo, nagdudulot ito ng iba’t ibat uri ng sakit gaya ng cancer, hypertension, at sakit sa puso na numero unong dahilan na pumapatay sa mga Pilipino.

Lumalabas din sa kanilang pag-aaral na 2 sa 5 kabataan ang naninigarilyo na, at 6 na taong gulang ang pinakabatang naitala nila na nagsisigarilyo.

Samantala, aabot naman sa 900,000 na tao ang nagkakasakit dahil sa mga second hand smokers o yung mga nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.

Hindi rin sinusulong ng grupo ang paggamit ng electronic cigarette bilang alternatibong kapalit ng sigarilyo dahil base sa pag-aaral, ang mga kemikal na gamit dito ay pwede ring magdulot ng canser.

Dismayado naman ang grupo sa mahinang implementasyon ng pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Read more...