WATCH: Batasan Hills National High school umaaray na sa dami ng mga estudyante

By Jong Manlapaz May 29, 2018 - 11:06 PM

Nakikiusap na ang pamunuan ng Batasan Hills National High School sa mga residente malapit sa kanila na subukan ang ibang mga eskwelahan dahil lalagpas na sa 15,000 estudyante ang nag-enroll sa kanila.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang Batasan Hills National High School ang may pinakamaraming estudyante sa buong bansa.

Samantala, tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na nakahanda na sila sa pagdagsa ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.

Pinayuhan naman ni QQCPD Chief, Senior Superintendent Joselito Esquivel ang publiko, lalo na ang mga estudyante, na iwasang makipag-usap sa mga hindi kakilala para hindi mabiktima ng unamang krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.