Sinertipikahan na bilang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang version ng Bangsamoro Basic Law ng Kongreso at Senado.
Sa kanyang talumpati sa Real Numbers Forum 2 sa Camp Crame, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatanggap sya ng ulat mula sa Office of the Executive Secretary na natapos na ang deliberasyon at nais ni Duterte na madaliin na ang pagsertipika sa nakabinbin na BBL versions.
Kanya ring sinabi na kung ano man ang pagkakaiba ng dalawang version ay saka na ito pag uusapan at babaguhin.
Matatandaang unang hiniling ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Duterte na i-certify as urgent ang BBL.
Sa isang liham na nilagdaan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas, nakasaad na target nilang maipasa ang nasabing panukala sa ikatlo at huling pagbasa bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa katapusan ng buwan.
Una rito, hiniling din ng Senado kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang kanilang bersyon ng BBL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.