DAR Sec. John Castriciones lusot na sa Commission on Appointments

Inquirer photo

Pinaboran na rin ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Atty. John Castriciones bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform.

Sinabi ni Sen Grace Poe, Chairperson ng Committee on Agrarian Reform ng CA na nagkaroon ng secret balloting sa isinagawa nilang executive session.

Aniya sa 15 miyembro ng komite, umaabot sa 13 ang pumabor kay Castriciones samantalang dalawa ang negatibo ang naging boto.

Sa pagsalang ni Castriciones ay nadagdagan pa ng dalawa ang oppositor sa appointment ng kalihim at ang kanilang alegasyon ay walang itong sapat na kakayahan at kaalaman para pamunuan ang DAR.

May alegasyon din kay Castriciones ng pambu-bully at harassement sa mga mismong kawani ng DAR.

Read more...