Sinibak na si Government Corporate Counsel Jurado nagsalita na sa naging pasya ng pangulo

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 29, 2018 - 12:53 PM

Nagsalita na ang sinibak na si Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi ang pagtanggal sa kaniya sa pwesto.

Sa kaniyan statement na ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ni Jurado na tinatanggap niya at inirerespeto niya ang naging pasya ng pangulo.

Bilang isang presidential appointee sinabi ni Jurado na karangalan para sa kaniya ang mabigyang pagkakataon na magsilbi sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Hindi naman na nagbigay ng pahayag o reaksyon si Jurado hinggil sa sinabing dahilan ng pangulo sa kaniyang pagsibak.

Sa naging talumpati ng pangulo na pinayagan ni Jurado na mag-isyu ng prankisa ang Aurora Pacific Economic Zone (APECO) sa mga lugar na hindi sakop ng lalawigan ng Aurora.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Aurora Pacific Economic Zone, government corporate counsel, Radyo Inquirer, rudolf philip jurado, Aurora Pacific Economic Zone, government corporate counsel, Radyo Inquirer, rudolf philip jurado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.