Ayon sa grpo ang paninigarilyo ay nagdudulot ito ng iba’t ibat uri ng sakit gaya ng cancer, hypertension at sakit sa puso na numero unong dahilan na pumapatay sa mga Pilipino.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng paggunita sa World No Tobacco Day.
Lumalabas sa pag-aaral na dalawa sa bawat limang kabataan ang naninigarilyo na at anim na taong gulang ang pinakabatang naitala nilang naninigarilyo.
Habang aabot naman sa 900,000 na katao ang nagkakasakit na pawang mga secondhand smokers o ‘yung mga nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo.
Hindi rin isinusulong ng grupo ang paggamit ng electronic cigarette bilang alternatibo o kapalit ng sigarilyo, dahil base sa pag-aaral ang mga kemikal na gamit dito ay pwede ring magdulot ng kanser.
Dismayado naman ang grupo sa mahinang implementasyon ng pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar.