Drug suspect patay matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Batangas

By Jong Manlapaz May 29, 2018 - 10:59 AM

Photo: Batangas PPO

Patay ang isang drug suspect makaraang mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Lemery, Batangas.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Lemery police station sa suspek na si alyas Nonoy alas 3:10 ng madaling araw ng Martes sa Barangay Dahilig.

Nang matunugan ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon, tinangka nitong tumakas sakay ng Hinda Civic na kulay dilaw at may plakang WEY 835.

Pero agad itong nasukol ng mga tauhan ng Patrol Reaction Team.

Nang ma-corner ay pinapuntukan ng suspek ang mga pulis na sakay ng patrol vehicle at tinangka muling paandarin ang kaniyang kotse.

Doon na nagkahabulan at nakaputukan na nagresulta sa pagkasawi ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang kalibre 45 na baril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Batangas, drug suspect, Lemery, Batangas, drug suspect, Lemery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.