Mga nagkanlong kay Ardot Parojinog sa Taiwan, papanagutin ng PNP
Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine National Police ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga personalidad na nagkanlong umano at tumulong kay Ozamis City councilor Ricardo Ardot Parojinog na makatakas sa bansa.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Director Roel Obusan, mayroon na silang mga impormasyon sa pagkakilanlan ng mga coddler ni Parojinog pero hindi pa nila muna ito mapangalanan sa ngayon dahil nasa proseso pa lang sila ng case build up.
Paliwanag ni Obusan, mababalewala lamang kung babanggitin nila ang mga sangkot sa kanilang imbestigasyon kaya mas mainam pa na mangalap pa sila at kumpletuhin ang kanikailangang mga ebidensya.
Samantala, kinumpirma naman ng opisyal na gumamit ng back door o hindi dumaan sa regular na daanan si Ardot sa pagtakas sa bansa. Posible kasi anyang namonitor ito sa Immigration kung gumamit ito ng eroplano.
Sa ngayon, nakatakdang magtungo sa Taiwan ngayong linggo sina Obusan at Drug Enforcement Group Director Albert Ignatius Ferro para asikasuhin ang deportation ni Parojinog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.