Luzon grid isasailalim sa yellow alert dahil sa mababang reserba ng kuryente
Isasailalim sa yellow alert ang Luzon grid Martes (May 29) ng hapon.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) iiral ang yellow alert sa Luzon grid mula ala 1:00 hanggang alas 2:00 ng hapon.
Sinabi ng NCGP na mababa ang reserba ng kuryente sa Luzon dahil sa hindi inaasahang pag-shutdown at limitadong generation ng ilang power plants.
Kabilang din sa dahilan ng mababang reserba ang mataas na demand ng kuryente.
Ayon sa NGCP, Martes ng umaga, mayroon lang available capacity na 11,637 megawatts gayong nasa 10,794 megawatts ang peak demand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.