2 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Batangas

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 29, 2018 - 10:12 AM

File Photo

Patay ang dalawang katao sa magkahiwalay na aksidenteng naganap sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa ulat ng Calabarzon Police, nasawi si Reymar Geguinto at sugatan naman ang angkas nitong si Al Niño Peña.

Nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo si Geguinto kaya bumangga ito habang binabagtas ang J.P Laurel Highway sa Barangay Balintawak dakong ala 1:40 ng madaling araw ng Martes.

Samantala, noong Lunes ng gabi, nasawi din ang isa pang motorcycle rider nang maaksidente sa bayan ng B

Nakainom umano ang rider na si Marco Banagan nang mangyari ang aksidente.

Isinugod pa si Banagan sa Bauan Doctors General Hospital pero idineklara ring dead on arrival.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Batangas, Motorcycle accidents, Radyo Inquirer, Batangas, Motorcycle accidents, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.