Pagbabantay sa soberanya ng Pilipinas, nananatiling prayoridad ng pamahalaan – Lorenza

By Mark Makalalad May 29, 2018 - 09:42 AM

Nanatiling una sa prayoridad ng pamahalaan ang pagbabantay sa soberanya at integridad ng bansa.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay nang pagtitiyak na patuloy na nagsusumikap ang DND para ipagtanggol ang mga Pilipino sa panalabas at loob na panganib sa kapayapaan at segurirad ng Pilipinas.

Pahayag pa nya, bagaman ibang hamon na ang kinakaharap sa kasalukuyan kagaya ng terorismo, malawakang pabagobagong panahon, pagkasira ng kalikasan, kahirapan, korapsyon, paglaganap ng transnational crime at agawan sa teritoryo, ay nakaalerto pa rin ang kanilang hanay at handang tumugon sa mga hamon na ito.

Kasunod nito, nangako ang kalihim na makakasa ang publiko na kung may nais mang sumira sa demokrasya ng bansa ay hindi nila ito pahihintulutan.

Matatandaang isa sa mga ang isyu na kinakaharap ngayon ng bansa ay ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea kung saan patuloy na nagpapalakas ng pwersa ang China sa pagtatatag mga artificial islands na may mga bomber plane.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, West Philippine Sea, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.