WATCH: 2 patay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 29, 2018 - 09:26 AM

Kuha ni Ronnie Blaza

Dalawa ang nasawi sa lalawigan ng Bulacan sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad.

Sa San Jose Del Monte City patay ang isang tindero ng isda na hinihinalang tulak ng droga makaraang makipagparilan sa mga otoridad na nagkasa ng buy-bust operation sa Bulacan.

Ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Jun Isda” ay nasa watchlist ng barangay at limang buwan nang isinasailalim sa surveillance ng pulisya.

Ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte police, ikinasa nila ang buy-bust operation laban sa suspek sa Barangay Guzmanville sa San Jose Del Monte City pero sa halip na sumuko ay nanlaban si alyas Jun.

Sa hiwalay namang operasyon na ikinasa ng mga pulis sa Meycauayan Bulacan, isang hinihinala ring tulak ng droga ang nasawi sa engkwentro sa mga otoridad.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Chito Bersaluna, sa halip na sumuko ay nanlaban sa mga pulis ang suspek na si Abubakar Macabago alyas Abu.

Nakuha mula sa kaniya ang 10 gramo ng shabu at kalibre 38 na baril.

Babala naman ni Bersaluna sa mga ayaw pa ring tumigil sa pagkakasangkot sa illegal na droga sa Bulacan, seryoso ang mga otoridad sa pagsawata sa mga tulak sa lalawigan.

Aniya, may mga programa naman ang pamahalaan para sa mga magpapasyang sumuko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, buy bust, meycauayan, Radyo Inquirer, san jose del monte, Bulacan, buy bust, meycauayan, Radyo Inquirer, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.