WATCH: Kapitan ng barangay at dalawa niyang private armies arestado sa Batangas

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz May 29, 2018 - 09:21 AM

Photo from Calabarzon police

Arestado ang isang kapitan ng barangay matapos mahulihan ng baril at mga bala sa lalawigan ng Batangas.

Ang suspek ay kinilalang si Jay Monterola, kapitan ng Barangay sa Barangay Sta. Clara sa bayan ng Sto. Tomas.

Isinilbi ng mga tauhan ng Calabarzon Police ang search warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Rtc laban kay Monterola.

Nasabat mula sa suspek ang isang carbine rifle caliber 30, dalawang magazine ng carbine na mayroong 56 na bala, anim na magazine ng caliber 45 at 43 piraso ng bala ng caliber 45.

Kasama ding dinakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Crizaldo Castillo at Samuel Gordoro na pinaniniwalaang miyembro ng private armed groups ni naarestong kapitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay captain, Private Armed Groups, Santo Tomas Batangas, barangay captain, Private Armed Groups, Santo Tomas Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.