Posibleng maisabatas na ang Bangsamoro Basic Law sa July 23, araw ng State of the Nation Address.
Ito ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas ay matapos ang pakikipagpulong ng mga lider ng kamara at senado kay Duterte sa Malakanyang Martes ng gabi.
Pinag-usapan sa nasabing pulong ang mga kumplikadong probisyon ng BBL.
Sinabi ni Fariñas na wala naman iginiit si Pangulong Duterte kaugnay sa nasabing panukala.
Gayunman, inaprubahan naman nito ang kanilang hiling na sertipikahang urgent ang BBL upang maipasa ito ng Kamara at Senado sa 2nd at 3rd reading bago ang kanilang adjourn sine die bukas.
Magpupulong naman anya ang Bicameral Conference Committee sa kanilang break upang maresolba ang conflicting provisions sa bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso katuwang ang executive department at Bangsamoro Transition Commission.
Isasalang naman sa ratipikasyon ng dalawang kapulungan ang panukala sa pagbubukas ng regular session sa July 23.