Puganteng Koreano arestado ng Bureau of Immigration
Natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport sa Pampanga ang isang puganteng Koreano na wanted sa Seoul na nasa likod ng isang prostitution ring sa bansa.
Ayon kay OIC Deputy Commissioner at BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, nakilala ang 44-anyos nanKoreanong si Hong Yong na natimbog habang pasakay ito ng Asiana Airlines flight sa Clark patungong Seoul.
Dinala na si Hong Yong sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda pang deportation dito.
Inaresto ang naturang Koreano matapos lumabas ang pangalan nito sa watchlist ng mga dayuhang pugante.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, Hong – Si Hong ay nasa watchlist na inilabas ng BI noong Janury 18, kasunod na rin ng sulat mula aa Korean Embassy na wanted ito sa kasong may kaugnayan sa sexual trafficking ng mga turistang Koreano.
Modus ni Hong na manghikayat ng kanyang mga kababayan na bumisita sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawan ng mga prostitutes na magsisilbing mga GRO na sasalubong sa kanila pagdating sa bansa.
Nasa likod umano nito ang travel agency ni Hong na naka-base sa Pampanga.
Sinasabing naniningil si Hong ng 200,000 won sa kanyang mga kliyente bilang paunang bayad.
Ayon sa BI, ilalagay na rin si Hong sa kanilang blacklist ag pagbabawalan nang bumalik pa sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.