Bagyong Lando lalong lumakas, signal #2 itinaas sa Aurora at Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2015 - 11:35 AM

OCT 16 Lando 11Lalo pang lumakas ang bagyong Lando habang kumikilos papalapit sa Isabela – Aurora area.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Lando ay huling namataan sa 585 kilometers East ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers kada oras. Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers kada oras.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 2 sa Aurora at Isabela. Babala ng PAGASA, aasahan ang 61 hanggang 120 kilometers kada oras na lakas ng hangin sa dalawang lalawigan sa susunod na 24 oras.

Habang signal number 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Benguet
Quirino
Nueva Vizcaya
Nueva Ecija Bulacan
Pampanga
Tarlac
Pangasinan
Rizal
Quezon incl. Polillo Island
Camarines Norte Camarines Sur
Catanduanes

Aasahan naman ang lakas ng hanging aabot sa 30 hanggang 60 kilometers kada oras sa nasabing mga lugar sa susunod na 36 na oras.

Ayon sa PAGASA sa mga susunod na oras na kanilang pagbabantay sa bagyong Lando ay maaring magtaas na rin ng signal number sa iba pang mga lalawigan sa Luzon gaya ng La Union, Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte Zambales, at kasama rin ang Metro Manila.

TAGS: UpdateonTyphoonLando, UpdateonTyphoonLando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.