Sunog sa Binondo, inabot ng 15 oras bago maideklarang under control
Inabot ng 15 oras bago maideklarang under control ang sunog na nagsimula sa gusali ng Land Management Bureau na kumalat sa kalapit nitong Juan Luna building kung saan nag-oopisina ang National Archives.
Siniguro ng director ng National Archives na si Victorino Manalo sa publiko na walang importanteng dokumento ang nadamay sa naturang sunog.
Aniya, ang karamihan ng mga importanteng dokumento ay nasa pangangalaga ng National Library.
Nasa 34 na fire trucks ang siyang rumesponde sa sunog na umabot ang alarma sa Task Force Charlie.
Habang tatlong bumbero ang nasugatan sa naganap na sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.