Sinira ang aabot sa P14.9M na halaga ng marijuana sa tatlong aarw na anti-illegal drug operations ng mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga.
Pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng mga drug agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera at mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR)
Ayon kay Senior Supt. David Peredo, Officer-in-charge ng Kalinga Provincial Police at concurrent commander ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) na kanilang sinalakaya ang mga marijuana plantations sa mga barangay ng Buscalan at Loccong.
Una dito ay isinagawa ng mga otoridad ang pagsalakay sa plantasyon ng mga marijuana noong May 25 at follow up operation naman noong May 27 sa nasabing barangay.
Wala namang naaresto sa ginawang operasyon ng pulisya sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.