Tulong ng mga negosyante sa administrasyon hiniling ni Avanceña
Hinimok ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña ang mga negosyante na tumulong sa anti-corruption, anti-criminality at anti-drug campaign ng administrasyon.
Sa pagdalo ni Avanceña sa paglulunsad ng Invest Bulacan 2018 sa Malolos City, sinabi nito na kinakailangan na mailatag ang magandang business climate sa lugar ng walang korupsyon at mga adik.
Ang Invest Bulacan ay kampanya ng lokal na pamahalaan para hikayatin ang mag negosyante na maglagak ng puhunan sa lalawigan na bahagi ng layunin ng administrasyon na i-decongest ang Metro Manila.
Para mapasigla anya ang negosyo sa Bulacan ay magtatayo ng paliparan sa lalawigan.
Samantala, pinasalamatan naman ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pagpapasalamat sa mga negosyante dahil sa pagsuporta sa mga programa ng pangulo.
maasakit man aniya sa kalooban ng pangulo ang pagsibak sa mga kaibigan ay gagawin ito ng punong ehekutibo para mawalis ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno.
Magpapatuloy aniya ang pangulo sa paglilinis sa mga opisyal na nasasangkot sa anomalya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.