Nag-leak sa publiko ng kaso ng gambling tycoon na si Kazuo Okada kakasuhan

By Ricky Brozas May 28, 2018 - 03:49 PM

Paiimbestigahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang City Prosecutor sa Paranaque sa harap ng reklamo kaugnay sa umano’y nag-leak na kopya ng resolusyon ng piskalya sa kasong estafa laban sa Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada.

Ayon kay Guevarra, agad niyang paiimbestigahan ang isyu dahil hindi pinapayagan ang premature o maagang pagpapalabas ng mga kautusan at resolusyon.

Paliwanag ni Guevarra, pinapayagan lamang ang mas maagang pagpapalabas ng kopya ng resolusyon bago ang official release nito sa mga sitwasyong hindi talaga kayang maiwasan o kailangang kailangan.

Si Paranaque City Prosecutor Amerhassan Paudac ay inaakusahan ng bias at gross impartiality ng Tiger Resort Leisure and Entertainment, Inc, ang complainant laban kay Okada dahil sa lumabas na kopya ng diumano’y resolusyon na nagbabasura sa reklamo.

Lumabas umano ang kopya ng resolusyon sa social media account ng isang taong hindi partido sa kaso, gayong ang mismong Tiger Resort na naghain ng reklamo at ilang beses nang nagtanong kaugnay sa estado ng kaso ay hindi pa nabibigyan ng kopya.

Dahil dito, naghain na ang complainant ng urgent motion para sa pag-iinhibit ni Paudac sa kaso.

Si Okada ay nahaharap sa multiple counts of estafa dahil sa paglustay sa mahigit $10 Million na pondong pag-aari ng TRLEI o Tiger Resort Leisure & Entertainment Incorporated sa pagitan ng 2016 at June 2017.

TAGS: DOJ, gambling, guevarra, mazuo okada, paranaque city prosecutor, DOJ, gambling, guevarra, mazuo okada, paranaque city prosecutor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.