Brgy. offcials inambush sa Cotabato, isa patay marami sugatan

By Mark Makalalad May 28, 2018 - 03:38 PM

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa pamamaril na naganap sa Barangay Takepan, Pikit North Cotabato kaninang alas-11:20 ng umaga.

Kinilala ni Captain Arvin Encinas, Spokesperson ng 6th Infantry Division ang biktima na si Ronulfo Bautista.

Habang natukoy naman ang sugatan na si Santos Bautista, Chairman ng Baranggay Takepan Pikit at kasama nitong dalawang barangay kagawad na sina Roberto Midsapak at Robin Salvador.

Ayon sa otoridad na sakay ang apat sa kulay dilaw na multicab galing sa may Pikit Gymnasium ang mga biktima ngunit pagsapit sa harapan ng Pauro Mangkap Hardware ay pinagbabaril sila ng mga suspek.

Namatay agad si Bautista habang dinala naman agad sa ospital ang kapitan at dalawang kagawad.

Nagsagawa naman agad ng hot pursuit operation ang otoridad upang tugisin ang mga salarin.

 

TAGS: ambush, North Cotabato, pikit, ambush, North Cotabato, pikit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.