Sa kanyang desisyon, sinabi ni Judge Anthony Fama na sadyang hindi ibinalik ni Lee ang anak nila ni Vina na si Ceana sa kanyang ina at ito ay paglabag sa kanilang kasunduan na pinagtibay naman ng hukuman.
Noong 2016 ay inireklamo ni Vina ang kanyang dating boyfriend na si Lee dahil sa nilibag nito ang visitation rights sa kanilang anak.
Mula May 13 hanggang 22 noong taong 2016 ay hindi umano pinayagan ni Lee na makauwi sa kanyang ina si Ceana na nagdulot ng behavioral effect sa nasabing bata.
Sa kanyang argumento ay itinanggi ni Lee na itinago niya ang bata kay Vina.
Ikinatwiran nito na mayroon silang kasunduan ng kanyang dating girlfriend na mananatili sa kanyang custody sa loob ng sampung araw ang kanilang anak.
Sa panig ng hukuman ay kanilang sinabi na kinakitaan ng pagkakamali ang kampo ni Lee kaya pinagmumulta ito ng halaga P3500,000 para sa moral at nominal damages.