Pondo sa 4Ps, hindi ililipat sa DA; Bilang ng mga kasapi sa 4Ps palalawakin pa
Sinopla ng Malakanyang ang panukala ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ilipat ang bilyun-bilyong pisong pondo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa mga programang pang agrikultura.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malabong paboran ng pangulo ang panukala ni Piñol lalo’t marami sa mga pamilyang Filipino ang nakararanas ng paghihirap ngayon dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagdudulot naman ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na maari pang palawigin ng pangulo o taasan pa ang bilang ng mga pamilyang Filipino na magiging miyembro ng 4Ps.
Nasa P70 bilyon ang inilalaan ng gobyerno kada taon para sa 4.4 milyong pamilya na miyembro ng 4Ps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.