Tinalo ng Cavaliers ang Celtics sa score na 79-87.
Maagang lumamang sa 1st quarter ng laban ang Boston Celtics nang magpakawala ng 26 na pintos konta sa 18 puntos lang ng Cavaliers.
Pero hindi sumuko ang Cavs at lumamang sa puntos sa 2nd, 3rd at 4th quarter.
Kahit wala ang all-star forward na si Kevin Love hindi ito naging hadlang para maipanalo ng koponan ang laban.
Nagbigay ng 35 puntos si Lebron James habang 19 na puntos naman ang naiambag ni Jeff Green.
Dahil dito, pasok na sa finals ang Cavaliers at mahihintay na lamang kung anong koponan ang makakalaban nila.
Bukas maghaharap naman sa isa ring do or die game sa western conference finals ang Houston Rockets at Golden State Warriors.