Seguridad sa Zamboanga City hinigpitan sa pagdating ng 97 na miyembro ng MNLF
(UPDATE) Hinigpitan ang seguridad sa lungsod ng Zamboanga dahil sa inaasahang pagdating doon ng 97 na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na napalaya mula sa pagkakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Ang nasabing mga miyembro ng MNLF ay pawang naaresto noong 2013 Zamboanga siege at pinalaya na matapos mapanilbihan na ang sentensya sa kasong sedisyon.
Ayon kay Sr. Supt. Allan Nazarro, city police director, eeskortan ng mga otoridad ang mga napalayang MNLF members patungo sa kani-kanilang destinasyon sa sandaling dumating na sa lungsod.
Kabilang sa mga magkakatuwang sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad ay ang Western Mindanao Command, Task Force Zamboanga, Police Regional Office 9 at ang Zamboanga City Police Office.
Pangangasiwaan din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabalik ng 96 na napalayang bilanggo sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.