OFW na nahatulan ng bitay sa Bahrain pinatutulungan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 28, 2018 - 09:37 AM

INQUIRER FILE

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para tulungan ang Overseas Filipino Worker na si Roderick Aguinaldo na nahatulan ng bitay sa Bahrain.

Personal pang ipinakita ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang liham apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bahrain sa mga magulang ni Aguinaldo na sina Francisca “Precy” Aguinaldo at Milo Aguinaldo.

Dadalhin aniya ang pirmadong liham ng pangulo ni Special Envoy to the Gulf Cooperation Council Amable Aguiluz sa naturang bansa sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Go, umaapaela ang pangulo sa pamunuan ng bahrain na iligtas sa parusang bitay si Aguinaldo.

Napatay ni Aguinaldo ang isang Pakistani na kanyang nautangan ng pera.

Naisangla ni Aguinaldo ang kanyang passport sa Pakistani subalit nang kanya nang babawiin ay nauwi ito sa mainit na komprontasyon.

Naunahan ni Aguinaldo ang Pakistani bilang kanyang depensa subalit napatay ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bahrain, ofw, Roderick Aguinaldo, rodrigo duterte, Bahrain, ofw, Roderick Aguinaldo, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.