Arestado ang isang ginang matapos magkamal umano ng P148 million mula sa 46 na katao sa pamamagitan na naman ng isang investment scam.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng “Oplan Pagtutugis” ng CIDG Anti-Fraud and Computer Crimes Division at nahuli si Margarita Huang sa Quezon City na may tatlong arrest warrants dahil sa kasong syndicated estafa.
Kwento ng ilan sa mga biktima, pinangakuan umano sila ng ng suspek ng 4% hanggang 15 % buwanang interest sa loob ng 6 na buwan sa ilalagak nilang pera sa isang Comfood Lending Corporation pero wala namang interest na bumalik sa kanila.
Nasa sa P100,000 hanggang P3 million ang ibinigay ng bawat biktima sa suspek.
Tinutugis na rin ng mga otoridad ang asawa, anak at sekretarya ni huan na sangkot din umano sa multi-million investment scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.