Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya; isang tren nakaranas ng door failure

Nakaranas ng door failure ang isang tren ng Metro Rail Transit – 3 habang bumibiyahe ito pa-Northbound.

Sa abiso ng MRT-3, pasado alas 7:00 ng umaga nagkaproblema ang pintuan ng isang tren sa pagitan ng Magallanes at Ayala stations.

Nagresulta ito sa panandaliang pagpapatupad ng provisional service mula North Avenue hanggang Shaw stations at pabalik.

Pero makalipas ang ilang minuto, agad ding inalis ang pag-iral ng provisional service at naibalik sa normal ang operasyon alas 7:39 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...