Malakanyang nakatatanggap na ng action plan kaugnay sa pananamantala ng ilang negosyante dahil sa TRAIN law

By Chona Yu May 28, 2018 - 07:59 AM

Isa-isa nang nagsusumite ng action plan sa Malakanyang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan matapos makatanggap ng reklamo na sinasamantala ng ilang negosyante ang implementasyon ng TRAIN law at ang magkakasunod na insidente ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa ulat na isinumite ng department of energy, inatasan nito ang Philippine National Oil Company na makipag-ugnayan sa mga oil suppliers upang matiyak na may mga hakbangin patungkol sa oil reserve at stockpiling.

Sa panig ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sinabi nitong may mangyayaring pag-aresto sa mga mapagsamantalang negosyante na ginagawang alibi ang TRIAN law at patuloy na pagtaas sa presyo ng langis upang makapagtaas ng retail price sa kanilang mga ibinebentang produkto.

Sa panig naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), ginarantiya nitong pakikilusin ang regional wage boards bilang pagtugon na din sa panawagan mismo ni Pangulong rodrigo Duterte na silipin na ang kasalukuyang take home pay ng mga manggagawa sa harap ng napapaulat na kaliwa’t kanang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, train law, Radyo Inquirer, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.