Dating SAF Chief Getulio Napeñas, tatakbong senador

By Isa Avendaño-Umali, Ruel Perez October 16, 2015 - 08:50 AM

Napenas editedNaghain ng certificate of candidacy sa pagka-senador si dating Special Action Force Chief retired General Getulio Napeñas.

Tatakbo si Napeñas sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Napeñas, tumakbo siya para tugunan ang sigaw at pagtutulak ng mamamayan.

Maliban dito, matindi rin aniya ang paghikayat ng mga nasa serbisyo pa at mga retiradong pulis na pasukin niya ang pulitika.

“Nais kong ipagpatuloy ang adhikaing aking itinataguyod: ang katahimikan ng sambayanang Pilipino. Nais ko ring makamit ang hustisya para sa SAF44,” ayon kay Napeñas.

Sinabi ni Napeñas na pinili niya ang UNA dahil si Binay ay nagbigay pugay sa SAF44 at tumulong sa mga naulilang pamilya.

Umaasa naman si Napeñas na sa susunod na administrasyon ay maibibigay na ang hanggang sa ngayon ay mailap pa rin na hustisya sa mga nasawing tauhan ng SAF dahil sa Mamasapano encounter.

TAGS: GetulioNapenastorunforSenator, GetulioNapenastorunforSenator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.