Ambassador ng Pilipinas sa US ipinatawag para pangunahan ang pre-summit negotiations sa pagitan ng US at NoKor

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 28, 2018 - 06:55 AM

Si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang itinalaga ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo para pangunahan ang pre-summit negotiations para sa napipintong pulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Si Sung Kim na isang veteran American diplomat ay dati rin kasing nanilbihan bilang ambassador ng Amerika sa South Korea at nagsilbi noon bilang nuclear negotiator sa NoKor taong 2005 sa panahon ni dating US Pres. George W. Bush.

Batay sa ulat ng Washington Post, ipinatawag muna si Sung Kim at pinaalis muna sa Pilipinas para pangunahan ang preparasyon.

Ang delegasyon ng US na pinangungunahan ni Sung Kim ay nasa North Korea ngayon.

Kasama sa tatalakayin para sa pre-summit negotiations ay ang logistics ng magaganap na pulong at ang magiging laman ng talakayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: north korea, Radyo Inquirer, summit, sung kim, US, north korea, Radyo Inquirer, summit, sung kim, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.