Boston Celtics at Cleveland Cavaliers magtutuos sa do-or-die game sa NBA eastern conference finals

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 28, 2018 - 06:27 AM

Maghaharap na ngayong araw para sa isang do or die game sa eastern conference finals ng NBA ang Boston Celtics at Cleveland Cavaliers.

Ito ay makaraang maging tabla sa 3-3 ang best of seven series nang magwagi ang Cavaliers kontra Celtics sa game 6 noong Sabado.

Alas 8:30 oras sa Pilipinas ang pagtutuos ng dalawang koponan.

Ang mananalong koponan sa game 7 ang siyang papasok sa NBA finals at makakaharap ang kung sino ang magwawagi naman sa pagitan ng Houston Rockets at Golden State Warriors.

Samantala, pangamba ng maraming fans ng Cavaliers, maaring si Lebron James lang ang siyang maging sandalan ng koponan dahil hindi makakapaglaro sa game 7 ang all-star forward na si Kevin Love.

Nakaranas kasi ng injury si Love nmonng game 6 nang makabanggaan niya si Jayson Tatum.

Kinailangang sumailalim si Love sa concussion protocol para matiyak na hindi napinsala ang kaniyang ulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, do or die, Game 7, NBA, Boston Celtics, Cleveland Cavaliers, do or die, Game 7, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.