Ex-PSG head itinalaga bilang pinuno ng 802nd Infantry Brigade

Balik-Leyte ang dating pinuno ng Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa turnover ceremony sa Camp Downes sa Ormoc City, Leyte ay itinalaga si dating PSG head Brigadier General Lope Dagoy bilang bagong commander o pinuno ng 802nd Infantry Brigade.

Pinalitan ni Dagoy si Brigadier General Francisco Mendoza Jr.

Bago maging pinuno ng PSG ay pinamunuan ni Dagoy ang 19th Infantry Battalion na nakatalaga sa Kananga, Leyte.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Dagoy matapos nitong hindi papasukin sa compound ng Malacañan si Pia Ranada na reporter ng Rappler.

Read more...