Mga Pinoy sa Oman ligtas sa paghagupit ng bagyo — DFA

By Justinne Punsalang May 28, 2018 - 02:36 AM

AP Photo

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang lahat ng mga Pilipinong nasa bansang Oman matapos itong bayuhin ng malakas na bagyo.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DFA na patuloy na mino-monitor ng embahada ng Pilipinas sa Muscat ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Salalah, kung saan pinakamalaki ang naging pinsala ng Cyclone Mekunu.

Ayon kay Ambassador Narciso Castañeda, nasa 49,000 mga Pilipino ang nasa Oman. At mula sa nasabing bilang ay aabot ng 10,000 ang nakatira sa Salalah.

Ayon sa pamahalaan ng Oman, dalawa na ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.