Pagsasaayos ng Pag-asa Island naaayon sa pambansang soberanya – Malakanyang

By Rhommel Balasbas May 28, 2018 - 01:49 AM

AP Photo

Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang ulat ng pasasaayos ng Pilipinas sa runway nito sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Sa pahayag na ipinadala sa media, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang aksyong ito ay alinsunod sa pambansang soberanya.

“Repair of port facilities in Pag-asa is consistent with our national sovereignty and jurisdiction,” ani Roque.

Ang pahayag ng palasyo ay inilabas matapos ang ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na batay umano sa satellite images noong May 17 ay may ginagawang pagsasaayos sa isla.

Samantala, kamakailan lamang ay ipinahayag ng kalihim na pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing isla sa takdang panahon bilang pagpapahayag ng soberanya ng bansa.

Ang Pag-asa Island ay bahagi ng Kalayaan Group of Islands na inaangkin din ng China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.