Transportation projects sa Mindanao, inihahanda na ng DOTr

By Rhommel Balasbas May 28, 2018 - 03:32 AM

Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na seryoso ito sa pagsasakatuparan sa iba’t ibang mga transportation projects sa Mindanao upang mapadali ang biyahe ng mga residente sa rehiyon.

Sa isang pahayag sinabi ng ahensya na may mga proyekto nang inihahanda para sa Davao region upang tugunan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa Tagum Overland Transport Terminal sa Davao del Norte.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng pag-aaral para sa isang high priority bus sytem project; Interim point to point (P2P) bus service; inter-city and inter-regional bus service; Mindanao Railway Project na magkokonekta sa Tagum sa Davao City at Digos City at iba pa.

Ipinag-utos na ni DOTr Sec. Arthur Tugade kay DOTR undersecretary for Road Transport Tim Orbos na gawin ang lahat ng makakaya nito para mapaluwag ang sitwasyon sa Tagum transport terminal.

Iginiit ng DOTr na alinsunod sa layon ng pangulo ay gagawin ng kagawaran ang lahat para maisakatuparan ang mandato nitong ibigay sa mga Filipino ang ligtas, kumportable at mahusay na transportasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.