Bong Go nangakong tutulong sa kaso ng napatay na OFW sa South Korea
Nangako si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na gagawin ng gobyerno ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang OFW sa South Korea.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ng pinoy worker na kinilalang si Angelo Claveria sa isang septic tank sa naturang bansa.
Sa pagbisita ni Go sa burol ni Claveria sa Iloilo, sinabi nito na makikipag-ugnayan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kaso ni Claveria.
Anya pa, sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SoKor sa June 3 ay isa umano ang kaso ni Claveria ang pag-uusapan.
Samantala, ibinigay ni Go sa pamilya ni Angelo ang tseke na nagkakahalaga ng P220,000 na burial assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at P20,000 naman mula sa kanyang opisina.
Noong nakaraang linggo, ipinangako ni Go na sisiguruhin niyang maiuuwi sa bansa ang mga labi ni Claveria at dumating na nga ito kahapon ng umaga sa Iloilo International Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.