Mga labi ng pinaslang na OFW sa South Korea nakauwi na
Kabaong na nang makauwi sa kanyang pamilya ang overseas Filipino worker (OFW) na si Angelo Claveria.
Ito ay matapos siyang paslangin bago itinapon ang kanyang bangkay sa water purifying tank ng isang pabrika sa Hwaseong, Geyonggi, sa South Korea.
Alas-9:30 ng umaga ng Linggo ng dumating ang mga labi ni Claveria sa Iloilo International Airport, kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Hustisya ang sigaw ng pamilya Claveria sa pagkamatay nito, kung saan ang kapwa Pilipino at kasamahan sa trabaho ni Claveria ang itinuturong nasa likod ng pamamaslang.
Kwento ng nakabatang kapatid ng biktima na si Jeanette Claveria-Gallego sa Inquirer, sinabi ng mga kaibigan ni Claveria na sinubukang makipagrelasyon ng lalaking suspek sa biktima ngunit hindi ito pumayag na posibleng dahilan sa krimen.
Matapos pa ang krimen noong January 2016 ay mayroong nagpapanggap na si Claveria dahil kapag tinatawagan nila ito ay mayroong sumasagot sa pamamagitan ng chat o text message na mag-usap na lamang sila sa pamamagitan ng message at huwag nang tumawag.
Umaapela ang pamilya sa pamahalaan na bigyan sila ng update tungkol sa usad ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Claveria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.