Bahagi ng Quezon Avenue at Elliptical Rd sa QC, isasara ng 21 araw
Simula mamayang gabi ay isasara na ang bahagi ng Quezon Avenue at Elliptical Road sa Quezon City.
Ito ay para sa isasagawang drainage improvement project at paglilipat ng PLDT underground cable facilities sa kahabaan ng Elliptical Road at Quezon Avenue.
Sa abiso ng engineering office ng Quezon City Hall, simula hatinggabi ng Biyernes, October 16, isasara na ang nasabing mga kalsada.
Partikular na maapektuhan ang bahagi ng Quezon Avenue mula sa kanto ng Agham Road patungo sa Elliptical Road.
Dahil dito, inabisuhan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga apektadong motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Ang mga galing ng North Avenue patungo nsa Elliptical Road ay dapat kumanan pagsapit sa Agham Road palabas ng Circle.
Ang mga galing naman ng East Avenue, Kalayaan Avenue, at Commonwealth Avenue ay pinapayuhang kumanan sa North Avenue, at kakaliwa sa Agham Road patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga galing ng Commonwealth Avenue patungo sa EDSA ay pinapayuhang dumaan sa North Avenue.
Habang kung galing naman sa EDSA-Quezon Avenue at magtutungo sa Circle ay kailangan ding kumanan sa Agham Road at gamitin ang East Avenue.
Inaasahang tatagal ng 21 araw ang nasabing proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.